2018
Magkaroon ng Karagdagang Kapangyarihan Gamit ang Bagong Kurikulum
Disyembre 2018


Digital Lamang

Magkaroon ng Karagdagang Kapangyarihan Gamit ang Bagong Kurikulum

Magdadala ang 2019 ng malalaking pagbabago sa Sunday School!

Larawan
man reading scriptures

Isipin mo kung mabibigyan ka ng karagdagang kapangyarihan sa buhay mo—kapangyarihan na magbago, na makawala sa karaniwan, na umangat sa mga pagsubok na nakapaligid sa iyo. Ang kapangyarihang ito—ang kapangyarihan ng Diyos—ay laging makukuha sa pamamagitan ng Kanyang salita, ngunit ang mga pagbabago sa Sunday School at Primary ay ginawa upang tulungan tayo na makuha ang kapangyarihang iyon sa pang-araw-araw na buhay natin.

Ako si Mackenzie, isang young adult at isa sa mga nagsulat ng bagong inisyatibong Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa tahanan, Sunday School, at Primary. Nabiyayaan ako na makatulong sa pagsulat ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, at nakita ko ang kaibahan, at kapangyarihan, ng mas epektibong pag-aaral ng banal na kasulatan sa buhay ng isang tao—ang sarili ko.

Nang una kong nalaman ang tungkol sa bagong inisyatibo na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, hindi ako sigurado kung ano ang iisipin ko. Minsan mahirap talagang maghanap ng oras para magbasa ng banal na kasulatan araw-araw—kahit na nararamdaman ko ang kaibahan at nakikita ko ang mga biyaya kapag binabasa ko ang mga ito nang regular. (Mayroon pa bang iba sa kampo na “tumitingin sa isang berso bago matulog”?) Ngunit ang tunay na pag-aaral ng mga banal na kasulatan habang tumutulong sa pagsusulat ng materyal na ito ay nakatulong sa akin na matutuhan ang kahalagahan (1) hindi lamang ng paglalaan ng oras ko para sapat na mapag-aralan ang mga banal na kasulatan kundi upang (2) talagang makakuha ako ng paghahayag, tunay na magagandang mga paghahayag, para sa sarili ko kapag talagang sinusubukan kong mag-aral kasama ang Espiritu.

Ang pagtatrabaho para sa bagong inisyatibo na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay nagbigay sa akin ng kakaibang pagkakataon na maging mas mahusay sa pag-aaral at paghahanap ng mga katotohanan sa mga banal na kasulatan para sa trabaho ko. At bagamat ang maraming-maraming mga young adult ay walang ganitong pagkakataon, sigurado ako na kayang gawin iyan ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa bawat isa sa atin.

Sa bawat outline, hinihikayat tayo na basahin ang mga banal na kasulatan para sa sarili natin at isulat ang mga naiiisip natin, na tinutulungan ng maliliit na bahagi ng doktrina na nagtuturo tungkol sa mga alituntunin sa mga berso at inaanyayahan tayo na magtanong sa ating sarili tungkol sa pinag-aaralan natin. Ang simpleng paraan na ito ng pagbabasa ng banal na kasulatan ay tutulong sa atinn na mas matuto pa tungkol sa mga paksang nais nating malaman at tutulungan tayo na tanungin ang ating sarili ng mga tanong na tutulong sa atin na pag-isipan ang mga paksang iyon. Ngunit sa inisyatibong ito, ang lahat ay ganito rin ang gagawin. Sa paraang ito, kapag nagkita-kita kayo, mapag-uusapan ninyo ang mga katotohanan ng ebanghelyo at alituntunin na gumawa ng pagkakaiba sa inyo, at gayon din ang magagawa ng iba—dinadala kayo nang magkakasama sa pagtupad sa tunay na layunin ng bawat isa: na maging mas katulad pa ni Cristo.

Ang pagsisimula ng bagong kaugalian ng pag-aaral ng banal na kasulatan ay isang proseso, at maaaring mahirap itong umpisahan. Ngunit matutulungan kayo ni Cristo sa bagay na ito katulad ng matutulungan Niya kayo sa kahit anong bagay. Kung nahihirapan kayo na magsimula o magpatuloy ng masigasig na pag-aaral ng banal na kasulatan, siguraduhing bumaling sa Kanya. Habang ginagawa ninyo iyon, kayo at ang iba pang mga tao sa paligid ninyo ay mabibiyayaan ng higit na kagustuhan na basahin ang Kanyang salita.