2021
Ano ang itinuro ni Moroni kay Joseph Smith?
Enero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Doktrina at mga Tipan

Ano ang itinuro ni Moroni kay Joseph Smith?

Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

(Enero 11–17)

Larawan
pdf

He Called Me by Name [Tinawag Niya Ako sa Pangalan], ni Michael Malm

Noong Setyembre 21, 1823, nanalangin si Joseph Smith na mapatawad sa kanyang mga kasalanan at malaman ang kanyang katayuan sa harap ng Diyos. Habang nananalangin si Joseph, isang liwanag ang pumuno sa kanyang silid at nakita niya ang isang anghel na nakatayo sa hangin.

Tinawag ng anghel si Joseph sa pangalan at nagpakilalang siya si Moroni. Sinabi niya kay Joseph na pinatawad na siya at may ipagagawa sa kanya ang Diyos.

  • Sinabi ni Moroni kay Joseph na ang pangalan nito ay “makikilala sa kabutihan at kasamaan sa lahat ng bansa, lahi, at wika” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:33).

  • Nalaman ni Joseph ang tungkol sa mga laminang ginto na nakabaon sa kalapit na burol na naglalaman ng “kabuuan ng walang-hanggang Ebanghelyo” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:34). Sinabi rin ni Moroni kay Joseph ang tungkol sa Urim at Tummim na inihanda ng Diyos para maisalin ni Joseph ang mga lamina (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:35).

  • Ibinahagi ni Moroni kay Joseph ang ilang propesiya na malapit nang matupad tungkol sa pagtatatag ng huling dispensasyong ito at ang mga pagpapalang maidudulot nito sa mundo.

  • Nagpakita si Moroni kay Joseph nang tatlong beses nang gabing iyon at nang isang beses kinabukasan. Ipinahayag niya ang gayon ding mensahe ngunit nagbigay ng karagdagang impormasyon at tagubilin kay Joseph sa bawat pagpapakita nito (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:44–46, 49).