Kalusugan ng Pag-iisip
3: Nagmisyon ako at umuwi dahil sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Paano ko dapat isipin ang tungkol sa aking misyon?


“3: Nagmisyon ako at umuwi dahil sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Paano ko dapat isipin ang tungkol sa aking misyon?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa Akin (2019)

“Umuwi Ako mula sa Misyon,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa Akin

Larawan
Church-service missionary name tag

Nagmisyon ako at umuwi dahil sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Paano ko dapat isipin ang tungkol sa aking misyon?

Pagtuunan ang pagnanais mo na maglingkod sa Panginoon. Kung may hangarin kang maglingkod, kung gayon hindi gaanong mahalaga kung saan ka maglilingkod. Kung umuwi ka dahil sa problema sa kalusugan ng pag-iisip, hindi mo dapat isipin na hindi ka nakapaglingkod nang lubos sa Panginoon sa iyong misyon. Pagtuunan mo ang pag-aalaga sa iyong kalusugan, at maghanap ng paraan na makapaglingkod hangga’t maaari. Maaari kang maglingkod sa inyong ward o branch, maglingkod sa programa ng Simbahan na malapit sa iyong tahanan, o kalaunan ay maglingkod muli bilang full-time missionary. Wala ni isa sa mga opsiyon na ito ang mas marangal, mas mabuti, o mahalaga kaysa sa iba.