Kalusugan ng Pag-iisip
4: Paano ko higit na mauunawaan ang pagkakaiba ng mga babala mula sa Espiritu at ng labis na pag-aalala?


“4: Paano ko higit na mauunawaan ang pagkakaiba ng mga babala mula sa Espiritu at ng labis na pag-aalala?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)

“Ang Pagkakaiba ng Espiritu at Pag-aalala,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa Akin

Larawan
lalaking nakatanaw sa bintana

Paano ko higit na mauunawaan ang pagkakaiba ng mga babala mula sa Espiritu at ng labis na pag-aalala?

Ang Espiritu Santo ay ang Espiritu ng Katotohanan at ang Espiritu ng Kapayapaan. Ang Espiritu ay karaniwang kumikilos nang tahimik (tingnan sa 1 Nephi 17:45). Ang mga saloobin na bunga ng balisang pag-iisip ay maingay at mapanggambala kaya mahirap madama ang Espiritu at umasa sa iyong pananampalataya. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos. Ang kabaligtaran ng pananampalataya ay pag-aalinlangan at pagdududa, kaya pinahihina ng pagkabalisa ang pananampalataya.

Ipinaliwanag ng propeta sa Aklat ni Mormon na si Jacob: “Ang Espiritu ay nagsasabi ng katotohanan at hindi nagsisinungaling. Anupa’t nagsasabi ito ng mga bagay kung ano talaga ang mga ito, at mga bagay kung ano talaga ang magiging ito” (Jacob 4:13). Kapag natutuhan mong makinig sa Espiritu, mas makakaya mong matukoy ang pagkakaiba ng katotohanan at ng mga kaisipang nakapanghihina ng loob na walang katotohanan bunga ng pagkabalisa.

Ang pananampalataya sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, lakip ang pag-asa at pag-ibig sa kapwa, ay dapat pagsaligan ng ating mga buhay (tingnan sa Moroni 7:40–48).

Tingnan din sa “Anxiety and Anxiety Disorders,” Ensign, Mar. 2017, 54–61.