Kalusugan ng Pag-iisip
5: Ano ang pagkakaiba ng pagiging perpeksyonista at pagnanais na maging karapat-dapat?


“5: Ano ang pagkakaiba ng pagiging perpeksyonista at pagnanais na maging karapat-dapat?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)

“Ang Pagkakaiba ng Pagiging Perpeksyonista at Pagiging Karapat-dapat,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin

Larawan
binata na nakatanaw sa bintana

Kabanata 5

Ano ang pagkakaiba ng pagiging perpeksyonista at pagnanais na maging karapat-dapat?

Ang pagnanais na maging karapat-dapat ay kadalasang nagmumula sa ating pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa atin. Hinihikayat tayo nito na maging masunurin, tumupad sa mga tipan, at magsisi. Ito ay paghahangad na maging perpektong tulad ng paanyaya ng Tagapagligtas na gawin natin (tingnan sa Mateo 5:48). Ibig sabihin nito ay pagsisikap na magpakumbaba at “pagkaitan ang [ating] sarili ng lahat ng kasamaan” upang tayo ay maging ganap kay Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya (Moroni 10:32).

Ang pagiging perpeksyonista, sa kabilang banda, ay bunga ng takot sa halip na pagmamahal—takot sa kahihiyan, takot na mabigo, takot na maparusahan, takot na matanggihan o takot na hindi magawa ang inaasahan ng iba. Isang paraan na makikita ito ay kapag tumingin tayo “nang lampas sa tanda” (Jacob 4:14) kung saan pinipilit nating gawin ang mga bagay na higit sa inaasahan sa atin ng Panginoon at ang walang kabuluhang pagpapahirap sa ating sarili kapag hindi natin nagagawa ang mga inaasahang ito. Maaari itong humantong sa labis na pag-aalala at panghihina ng loob.

Ipinaliwanag ni Elder Cecil O. Samuelson ang pagkakaiba ng pagiging karapat-dapat at pagiging perpekto: “Magkaiba ng kahulugan ang pagiging karapat-dapat at ang pagiging perpekto! … Maaari tayong maging karapat-dapat habang nangangailangan pa ring mapagbuti ang sarili … Ang mga nagdurusa dahil sa pagiging perpeksyonista … ay nagdurusa dahil pinapalaki nila nang labis ang kanilang maliliit na pagkakamali, kahinaan, o pagkukulang sa puntong hindi na sila kumikilos nang normal. … Kailangan nating tanggapin ang [ating mga kahinaan], ngunit hindi natin ipinagkakapuri o pinapatindi ang mga ito” (“What Does It Mean to Be Perfect?New Era, Ene. 2006, 10, 12).