Mga Turo ng mga Pangulo
Historical Summary


Buod Pangkasaysayan

Hindi pangkasaysayan ang aklat na ito, kundi isang kalipunan ng mga alituntuning pang-ebanghelyo na naituro ni Pangulong Joseph F. Smith. Gayunpaman, upang mailagay ang mga turo sa angkop na mga pangyayaring pangkasaysayan, ang sumusunod na talaan ay inihanda upang makita ang buod ng mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay na may pinakamalapit na kaugnayan sa kanyang mga turo. Ang buod na ito ay hindi kinabibilangan ng ilang mahahalagang pangyayari sa kanyang personal na buhay, kabilang ang kanyang mga pag-aasawa (ang pag-aasawa nang higit sa isa ay ginagawa sa Simbahan nang panahong iyon) at ang pagsilang at pagkamatay ng kanyang mga anak, na kung kanino ay mapagmahal siya.

1800, ika-9 ng Pebrero:

Isinilang si Hyrum Smith, ang ama ni Joseph F. Smith, sa Tunbridge, Vermont.

1801, ika-21 ng Hulyo:

Isinilang si Mary Fielding, ang kanyang ina, sa Honeydon, Inglatera.

1837, ika-24 ng Disyembre:

Kasal nina Hyrum Smith at Mary Fielding sa Kirtland, Ohio.

1838, ika-13 ng Nobyembre:

Isinilang si Joseph F. Smith sa Far West, Missouri.

1844, ika-27 ng Hunyo:

Pinaslang sina Joseph at Hyrum Smith sa Piitan ng Cathage (5; ang bilang sa loob ng mga panaklong ay nagpapakita ng gulang ni Joseph F. Smith).

1846, Setyembre–Setyembre 1848:

Naglakbay ang pamilya ni Mary Fielding Smith mula sa Nauvoo, Illinois, patungo sa Lambak ng Salt Lake (7–9).

1852, ika-21 ng Mayo:

Bininyagan si Joseph F. Smith ni Pangulong Heber C. Kimball (13).

1852, ika-21 ng Setyembre:

Namatay si Mary Fielding Smith sa Lungsod ng Salt Lake (13).

1854–1857:

Naglingkod ng misyon sa Sandwich Islands (Hawaii) (15–19).

1860–1863:

Naglingkod ng misyon sa Great Britain (21–24).

1864:

Natatanging misyon sa Hawaii kasama sina Elder Ezra T. Benson at Elder Lorenzo Snow (25–26).

1865–66:

Naging miyembro ng lehislatura teritoryal; gayundin noong 1867–70; 1872; 1874; 1880; 1882.

1866, ika-1 ng Hulyo:

Inordenan bilang Apostol at Tagapayo sa Unang Panguluhan (27).

1867, ika-8 ng Oktubre:

Itinalaga bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol (28).

1874–1875, 1877:

Dalawang panahon ng panunungkulan bilang Pangulo ng Misyon sa Europa (35–36, 38).

1877, ika-29 ng Agosto:

Kamatayan ni Pangulong Brigham Young, Lungsod ng Salt Lake (38).

1880, ika-10 ng Oktubre:

Sinang-ayunan bilang Pangalawang Tagapayo kay Pangulong John Taylor (41).

1887, ika-25 ng Hulyo:

Kamatayan ni Pangulong John Taylor, Kaysville, Utah (48).

1889, ika-7 ng Abril:

Sinang-ayunan bilang Pangalawang Tagapayo kay Pangulong Wilford Woodruff (50).

1890, ika-24 ng Setyembre; ika-6 ng Oktubre:

Tinanggap ang Manipesto; tinanggap ng Simbahan ang Opisyal na Pahayag 1 (51).

1893, ika-6 ng Abril:

Paglalaan ni Pangulong Wilford Woodruff sa Templo ng Salt Lake (54).

1898, ika-2 ng Setyembre:

Namatay si Pangulong Wilford Woodruff sa San Francisco, California (59).

1898, ika-13 ng Setyembre:

Sinang-ayunan bilang Pangalawang Tagapayo kay Lorenzo Snow (59).

1901, ika-10 ng Oktubre:

Kamatayan ni Pangulong Lorenzo Snow, Lungsod ng Salt Lake (62).

1901, ika-17 ng Oktubre:

Inordenan at itinalaga bilang Pangulo ng Simbahan (62).

1901, ika-10 ng Nobyembre:

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Simbahan sa isang natatanging komperensiya (62).

1906, Hulyo–Setyembre:

Unang Pangulo ng Simbahan na naglakbay sa Europa sa panahon ng kanyang panunungkulan (67).

1909, Nobyembre:

Ipinalabas ng Unang Panguluhan ang paghahayag pang-doktrina, ang “Ang Pinagmulan ng Tao” (70).

1911:

Sinunod ng YMMIA [Samahan ng Kabataang Lalaki Para sa Sama-samang Pag-unlad] ang palatuntunang Panlalaking Iskawt, na tinawag na Mga Iskawt MIA [Samahan Para sa Sama-samang Pag-unlad] (72).

1912:

Ginanap sa seminaryo ng Granite ang unang mga klaseng pang-seminaryo kung saan pinaliliban mula sa paaralan ang mga mag-aaral upang dumalo dito.

1913:

Pinagtibay ng YWMIA [Samahan ng Kabataang Babae Para sa Sama-samang Pag-unlad] ang palatuntunang - pang-tag-araw ng Campfire Girls; 1914, pinalitan ng pang-buong taong palatuntunan ng Mga Batang Pukyutan [Beehive Girls] (74).

1913, ika-27 ng Hulyo:

Itinalaga ang lugar para sa Templo ng Alberta (74).

1915, ika-27 ng Abril:

Hinikayat ng Unang Panguluhan ang mga miyembro na palagiang magdaos ng gabing pantahanan ng mag-anak (76).

1915, ika-1 ng Hunyo:

Itinalaga ang lugar para sa Templo ng Hawaii (76).

1916, ika-30 ng Hunyo:

Ipinalabas ng Unang Panguluhan at ng Labindalawa ang pagpapahayag pang-doktrina,“Ang Ama at ang Anak” (77).

1918, ika-3 ng Oktubre:

Tinanggap ang pangitain ng pagtubos sa mga patay, na naging Doktrina at mga Tipan 138 (79).

1918, ika-19 ng Nobyembre:

Namatay sa Beehive House, Lungsod ng Salt Lake (80).

1918:

Estadistika sa pagtatapos ng taon: 495,962 miyembro; 75 istaka; 839 purok; 22 misyon.