2014
Kaya Kong Tuparin ang Aking Tipan sa Binyag
Hulyo 2014


Kaya Kong Tuparin ang Aking Tipan sa Binyag

Para makagawa ng pelikula tungkol sa iyong tipan sa binyag, gupitin ang frame o kuwadro at mga larawan. Idikit o iteyp ang dalawang larawan para maging isang mahabang strip (pagsamahin ang A at B). Idikit o iteyp ang frame o kuwadro at pinagdugtong na mga larawan sa matigas na papel. Gupitin na sinusundan ang putol-putol na linya sa kuwadro para gumawa ng dalawang hiwa. Ipasok ang larawan sa mga slot o hiwa para makita ang mga larawan sa harapan ng kuwadro.

Kaya Kong Tuparin ang Aking Tipan sa Binyag

Nang ako ay binyagan, nangako ako sa Ama sa Langit.

Ipinapangako ko na susundin ang mga kautusan.

Ipinapangako ko na aalalahanin si Jesucristo at sisikapin na maging katulad Niya.

Kapag tumatanggap ako ng sakramento, aalalahanin ko ang aking mga pangako sa Ama sa Langit.

Kapag sinunod ko ang aking tipan sa binyag, ipinapangako ng Ama sa Langit na mapapasaakin ang Espiritu Santo para gabayan ako.