2014
Nagministeryo ang mga Apostol sa Maraming Bansa
Hulyo 2014


Nagministeryo ang mga Apostol sa Maraming Bansa

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay patuloy na nagministeryo sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa kanilang mga tungkulin kamakailan:

  • Sina Elder Russell M. Nelson at Elder Neil L. Andersen ay nagbigay ng payo at tagubilin sa mga Banal sa Australia, New Zealand, French Polynesia, Fiji, New Caledonia, Tonga, at Papua New Guinea. Nagsalita si Elder Nelson tungkol sa pangangailangang patatagin ang mga pamilya, at pinaalalahanan ni Elder Andersen ang mga miyembro na magalak. Sa isa pa niyang tungkulin, pinulong ni Elder Andersen ang mga miyembro at lider ng komunidad sa mga lugar sa Pilipinas na labis na pininsala ng mga lindol at bagyo.

  • Inilaan ni Elder Dallin H. Oaks ang Mexico City Missionary Training Center. Hinikayat niya ang mga missionary na mag-aral na mabuti at ilaan ang kanilang sarili sa Panginoon.

  • Sinabi ni Elder M. Russell Ballard sa mga Banal sa South America South Area na “ang araw ng mga anak na lalaki at anak na babae ni Lehi ay yumayabong,” ngayong may 4.5 milyong miyembro at 14 na templo na sa South America. Tinutupad nito ang propesiya ng kanyang lolong si Elder Melvin J. Ballard (1873–1939) na ang South America ay magiging malakas na bahagi sa Simbahan.

  • Hinikayat ni Elder Jeffrey R. Holland ang mga miyembro sa Taiwan at Hong Kong na gawing bahagi ng kanilang buhay ang templo sa pagpunta rito nang madalas hangga’t kaya nila.

  • Ipinaalala ni Elder David A. Bednar sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Uganda na sila ay mga pioneer sa pagtatayo ng Simbahan sa kanilang bansa. Pinaalalahanan niya ang mga miyembro sa Kenya na mahalagang patuloy na magpakita ng pagmamahal sa tahanan.

  • Itinuro ni Elder Quentin L. Cook sa mga miyembro sa Central America ang kahalagahan ng paglilingkod sa Diyos, sa isa’t isa, at sa kanilang kapwa.

Para malaman ang iba pa tungkol sa ministeryo ng mga Apostol, magpunta sa lds.org/prophets-and-apostles.