2014
Bakit tayo nilikha ng Diyos?
Hulyo 2014


Bakit tayo nilikha ng Diyos?

Larawan
Three teenage girls standing together. Two are talking while the other is looking away from them.

Mahalagang maunawaan na hindi tayo “nilikha” ng Diyos para umiral lang tayo mula sa wala. Ang ilang pangunahing bahagi ng ating pagkatao ay naroon na bago pa man isilang ang ating espiritu: “Ang tao rin sa simula ay kasama ng Diyos. Ang katalinuhan, o ang liwanag ng katotohanan, ay hindi nilikha o ginawa, ni maaaring gawin” (D at T 93:29). Dahil alam natin ito, alam din natin na ang nakahikayat sa Ama sa Langit sa paglikha sa atin ay dahil sa isang dakilang layunin at hindi lang Niya ito basta ginawa. Itinuro ni Propetang Joseph Smith, “Ang Diyos mismo, nang makitang naliligiran siya ng mga espiritu at kaluwalhatian, at dahil Siya ay mas matalino, ay nakita na wastong magtatag ng mga batas na nagbibigay sa iba ng pribilehiyong umunlad na katulad niya” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 244; tingnan din sa Moises 1:39). Dahil nais ng Ama sa Langit na magkaroon tayo ng pagkakataong umunlad at maging katulad Niya, nilikha Niya ang ating mga espiritu, at naglaan Siya ng plano ng kaligtasan at kaligayahan na nararapat kabilangan ng mga karanasang ito sa lupa. Marahil, kung gayon, ang pinakasimple at pinakamainam na sagot sa tanong na ito ay ang sagot din sa kung bakit ginagawa ng Diyos ang lahat: dahil mahal Niya tayo.