2015
Alam Kong Mahal Ako ni Jesus
Abril 2015


Para sa Maliliit na Bata

Alam Kong Mahal Ako ni Jesus

Ang awtor ay naninirahan sa Colorado, USA.

Pinagsikapang mabuti ni Laney na maging mapitagan sa simbahan. Pero pagod siya, at nanginginig ang mga binti niya.

Nang matapos nang ipasa ang sakramento, binuklat ni Laney ang aklat niya tungkol kay Jesus. Nakita niya ang larawan ni Jesus kasama ang maliliit na bata. Napayapa at nasiyahan ang kanyang kalooban.

Nang matapos ang sacrament meeting, tinanong ni Laney si Inay, “Bakit po mas madaling maging mapitagan kapag nakatingin ako sa aklat ko tungkol kay Jesus?”

“Palagay ko dahil ipinapaalala nito sa iyo kung gaano ka kamahal ni Jesus,” sabi ni Inay.

Tumango si Laney. “Palagay po ba ninyo alam ni Jesus na mahal ko rin Siya?” tanong niya.

Niyakap ni Inay si Laney. “Oo, sigurado akong alam Niya.”