2015
Mga Kabatiran
Abril 2015


Mga Kabatiran

Paano ko maiuuna ang family home evening.

“Habang sinisikap ninyong mapatatag ang inyong pamilya at magkaroon ng kapayapaan, alalahanin ang … lingguhang family home evening. Iwasang magdaos ng family home evening dahil lang sa hindi na kayo abala sa araw na iyon. Magpasiya na tuwing Lunes ng gabi ay magkasama-sama ang inyong pamilya sa bahay. Huwag hayaang maging mas mahalaga ang trabaho, isports, extracurricular activities, takdang-aralin, o anupaman kaysa sa oras na ginugugol ninyo sa bahay sa piling ng inyong pamilya.

Ang mga ginagawa ninyo sa gabi ay hindi kasinghalaga ng oras na inilaan ninyo. Ang ebanghelyo ay dapat ituro kapwa sa pormal at di-pormal na paraan. Gawin itong makabuluhang karanasan para sa bawat miyembro ng pamilya.”

Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 94.