2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Abril 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

Larawan
photo of family gathered around a piano and singing

“Kailangan Ko Kayo,” pahina 30: Tulad ng mga titik ng himnong “Kailangan ko Kayo” na nakatulong kay Pak Mi-Jung na magpasiyang magpabinyag, ang mga himno ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating buhay. Isipin ang panahon na napagpala ng mga titik ng isang himno ang inyong buhay at isiping ikuwento ang karanasan sa inyong pamilya. Anyayahan ang bawat miyembro ng pamilya na pumili ng isang paboritong himno at sabihin kung paano napagpala nito ang kanyang buhay. Pagkatapos ay kantahin ang bawat himno sa inyong pamilya. (Maaari ninyo itong unti-untiin sa loob ng ilang linggo.)

“Mga Panalangin at mga Katedral,” pahina 68: Matapos ninyong basahin ang kuwentong ito, idispley ang mga larawan ng iba’t ibang simbahan o banggitin ang mga simbahan na nasa lungsod ninyo at pag-usapan ninyo sa pamilya ang mga tanong na ito: Ano ang ilang pagkakatulad natin sa ibang mga relihiyon? Ano ang damdamin ng Ama sa Langit tungkol sa lahat ng Kanyang anak? Paano natin dapat pakitunguhan ang mga taong iba ang mga paniniwala? Isiping gamitin ang artikulong “Pagbalanse ng Katotohanan at Pagpaparaya” ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol (Liahona, Peb. 2013, 28–35) upang makatulong sa pagsagot sa mga tanong na ito.