2015
Ang Tamang Landas
Abril 2015


Ang Tamang Landas

Mula sa “Huwag Nating Tahakin ang Maling Landas,” Liahona, Mayo 2014, 39–41.

“Pakinggan ang mga salita ng yaong Diyos na lumikha sa inyo” (D at T 43:23).

Maraming taon na ang nakalipas nagpunta kami ng pamilya ko sa Arches National Park sa Utah, USA. Ang isa sa mga pinakamaganda at pinakatanyag na arko sa parke ay ang Delicate Arch at nagpasiya kaming umakyat ng bundok para marating ito.

Masigla kaming nagsimulang maglakad, ngunit di-nagtagal gusto nang magpahinga ng iba. Gusto kong makarating agad roon, kaya mag-isa akong nagpatuloy. Hindi pansin ang landas na dapat kong tahakin, sinundan ko ang lalaki sa unahan ko na tila nakatitiyak sa kanyang pupuntahan.

Pahirap nang pahirap ang daan na aakyatin. Tiyak ko na hindi ito narating ng pamilya ko. Pagdakaʼy nakita ko ang Delicate Arch, ngunit laking gulat ko na hindi ko ito mapupuntahan. Ang landas na tinahak ko ay hindi patungo sa arko.

Nalungkot ako at nagpasiyang bumalik. Nainip ako sa paghihintay hanggang sa magkita-kita kaming muli ng grupo ko. Sinabi nila sa akin na sinundan nila ang mga karatulang nagtuturo ng tamang daan, at may pag-iingat at pagsusumigasig na narating nila ang Delicate Arch. Sa kasamaang-palad, maling landas pala ang tinahak ko. Napakagandang aral ang natutuhan ko!

Huwag alisin ang tuon sa landas patungo sa buhay na walang-hanggan kasama ang inyong Ama sa Langit. Sundin ang mga alituntunin ng ebanghelyo at mga kautusang natanggap ninyo, at kayo ay nasa tamang landas para makapiling Siya magpakailanman.