2015
Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin
Abril 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Mag-isip ng isang pagkakataon na maysakit ka. Mayroon bang gumawa ng kabutihan sa iyo para bumuti ang iyong pakiramdam?

Sa Bagong Tipan mababasa natin kung paano nagpakita ng kabaitan si Jesus sa mga taong maysakit. Isang araw isang lalaking may sakit sa balat na tinatawag na ketong ang nagpunta kay Jesus. Alam niya na may kapangyarihan si Jesus na pagalingin ang lahat ng taong maysakit. Naniwala siya na mapapagaling siya ni Jesus. Hinipo ni Jesus ang ketongin at sinabing, “Luminis ka” (Marcos 1:41). Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Jesus, gumaling ang lalaki.

Masusundan natin ang mga yapak ni Jesus sa pagiging mabait at mapagmahal sa iba pang maysakit o nalulungkot.