2015
Ang Ating Pahina
Hunyo 2015


Ang Ating Pahina

Hindi ako makapaghintay sa araw na bibinyagan ako. Noong nakaraang taon, nang mag-walong taong gulang ako, naroon sa binyag ko ang tatay ko, nanay ko, pamilya ko, at mga kaibigan sa simbahan. Napakagandang karanasan niyon para sa akin. Napakasayang malaman na nagdiriwang ang langit sa desisyon kong magpabinyag at maging disipulo ni Jesucristo. Kapag binibinyagan tayo, nakikipagtipan tayo sa Ama sa Langit. Alam ko na nalugod Siya sa desisyon ko dahil tama iyon at nararapat.

Saríah Z., edad 8, Honduras

Ipininta ko ang mga mandirigma ni Helaman sa T-shirt ko. Gusto kong maging tapat, matapang, at masunurin sa mga utos ng Diyos, tulad nila!

Z. Yu-en, edad 6, Taiwan

Ito ang pamilya ko sa templo.

Sherriza T., edad 8, Mexico

Gustung-gusto namin kapag isinasama kami ng mga magulang namin sa templo dahil magandang lugar ito at pakiramdam namin ay mas malapit kami sa Diyos kapag naroon kami.

Nephi at Bryan V., edad 6 at 9, Ecuador