2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Hunyo 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Ang Maluwalhating Araw ng Panunumbalik ng Priesthood,” pahina 24: Isiping ipaliwanag kung paano naipasa-pasa ang priesthood sa pamamagitan ng pagguhit ng isang simpleng linya mula sa isang tao papunta sa isa pang tao, simula kay Adan hanggang sa iba pang mga propeta ng Lumang Tipan at pagkatapos ay mula kay Jesucristo at sa Kanyang mga Apostol hanggang kay Joseph Smith. Maaari mong subukang isaulo ang mga salita ni Juan Bautista nang igawad niya ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery, tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 13:1, at talakayin ang kahalagahan ng pangyayaring iyon.

“Patotoo ni Mia,” pahina 74: Matapos basahin nang sama-sama ang artikulo, maaari ninyong talakayin “kung paano” magkaroon ng patotoo: pagdarasal, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pakikinig sa mga propeta at apostol, pakikinig sa patotoo ng ibang tao, pagbabahagi ng inyong sariling patotoo, atbp. Pag-usapan kung paano maaaring maging katulad ng liwanag ang patotoo. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga magulang ang kanilang patotoo at anyayahan ang kanilang mga anak na ibahagi rin ang kanilang patotoo o damdamin kung gusto nila.