2015
Ang Bahay na Itinayo mula sa Ikapu
Hunyo 2015


Para sa Maliliit na Bata

Ang Bahay na Itinayo mula sa Ikapu

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Ito si Jack. Ito ang mga barya ni Jack na kumakalansing. Ito ang ikapu ni Jack, na 10 porsiyento.

Ito ang bishop na kinamayan si Jack nang magbigay siya ng kanyang ikapu, na 10 porsiyento.

Ito ang propeta, masayahin at madasalin, na nagsabing, “Magtayo tayo ng templo,” mula sa ikapung ipinadala ng bishop na kinamayan si Jack nang magbigay siya ng kanyang ikapu, na 10 porsiyento.

Ito ang templo, makintab at maputi, isang bahay ng Panginoon na puno ng liwanag.

Ito ang bahay na itinayo mula sa ikapu dahil sinabi ng propeta, “Magtayo tayo ng templo,” mula sa ikapung ipinadala ng bishop na kinamayan si Jack nang magbigay siya ng kanyang ikapu, na 10 porsiyento.

Ito ang ngiti ni Jack, malaki at masigla, nang magpunta siya sa templo, na makintab at maputi, upang mabuklod sa kanyang pamilya sa harap ng Diyos.

Mga paglalarawan ni Dani Jones