2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Disyembre 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
The holdings attached to this bib record are part of the 1990 acquisition of Carl Bloch paintings. The painting was cleaned and restored prior to being photographed by Danish photographer Hans Petersen.

Detalye mula sa Christ Healing the Blind, ni Domenico Fiasella, sa kagandahang-loob ng John and Mable Ringling Museum of Art; kanan: The Holy Night, ni Carl Heinrich Bloch

“Mapayapa,” pahina 34: Inaanyayahan tayo ni Elder Christofferson na mag-ukol ng oras sa Kapaskuhang ito na maupo nang tahimik at mag-isip tungkol sa sanggol na si Jesus. Isiping basahin ang artikulo nang sama-sama bilang pamilya at pagkatapos ay anyayahan ang diwa ng pagpipitagan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagkanta ng mga himno, o panonood ng mga Bible video (makukuha sa Biblevideos.org) tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay bigyan ng oras ang bawat tao na mag-isip tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas at kung ano ang kahulugan nito sa kanila. Maaari kang maghanda ng mga journal o papel para sa mga tao na gustong isulat ang kanilang mga ideya. Ipabahagi sa mga kapamilya ang kanilang mga ideya kung gusto nila.

Video sa Pasko, Mormon.org: Umisip ng mga paraan na magagamit ng iyong pamilya ang video tungkol sa Pasko sa taon na ito para ibahagi ang ebanghelyo sa iba. Maaari kang maghanda ng mga pagkain sa Pasko na ibabahagi sa mga kaibigan at dalhin mo ang mga ito na may kasamang card na may web address ng video. Maaari ka ring magplano ng family social media campaign at gumawa ng mga mithiin kung ilang tao ang mababahaginan mo ng video. Ang isa pang opsiyon ay anyayahan ang mga kaibigan na panoorin ninyo ang video.