2015
Tagatanggap Ka Ba o Tagabigay?
Disyembre 2015


Tagatanggap ka ba o Tagabigay?

Larawan
Product Shot from December 2015 Liahona

Naisip mo na ba kung bakit mo pinaglilingkuran ang iba at sinusunod ang mga kautusan? Magandang gawin iyan sa buwang ito habang nag-aaral ka tungkol sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa mga aralin mo sa simbahan. Maitatanong mo sa iyong sarili, mas nahihikayat ba ako sa matatanggap ko o sa maibibigay ko?

Matutulungan ka ng mga tanong sa itaas na makita kung nakatuon ka sa iyong sarili (sarili mo ang iniisip mo) o nakatuon ka sa iba (iniisip mo ang iba).

Anong pagkilala ang matatanggap ko sa paglilingkod sa calling na ito?

Paano ako mapagpapala ng pagbabayad ng ikapu at mga handog-ayuno?

Paano ako makikinabang sa pagiging tapat?

Ano ang mapapala ko sa pagsisimba?

Paano ako matutulungan ng pagmimisyon?

Anong mga pagpapala ang matatanggap ko sa pagpapakasal sa templo?

Paano nakakatulong sa akin ang tungkulin ko para mapalakas ang iba?

Paano makakatulong ang aking ikapu at mga handog-ayuno sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos?

Paano pagpapalain ng aking katapatan ang iba?

Paano nagpapakita ng katapatan ko sa Panginoon ang aking pagsisimba?

Paano ko mapaglilingkuran ang iba sa aking mission?

Paano magbibigay sa akin ng pagkakataon ang kasal sa templo na mapaglingkuran ang aking asawa’t mga anak?

OK lang na isipin ang mga pagpapalang matatanggap mo, pero kung makita mo na sarili mo ang iniisip mo kaysa iba, sikaping magtuon sa Diyos. Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson: “Tandaan na hindi lamang sa inyo o sa akin ang gawaing ito. Maaari tayong tumingala at humingi ng tulong sa langit” (“Gawin ang Inyong Tungkulin—Iyan Ang Pinakamainam,” Liahona, Nob. 2005, 58).