2015
Pansariling Pag-unlad sa Aking Family Tree
Disyembre 2015


Pansariling Pag-unlad sa Aking Family Tree

Ang awtor ay naninirahan sa Manaus, Brazil.

Kami lang ng kapatid kong lalaki ang mga miyembro ng Simbahan sa pamilya ko—iyon ang akala ko bago ko sinimulang gawin ang aking family history.

Larawan
Illustration of a girl reaching out to ancestors on her family tree

Lagi kong ipinagpapaliban noon ang paggawa ko ng aking genealogy. Ngunit ang hangarin kong magmisyon ang naghikayat sa akin na magtakda ng mga mithiin para maihanda ko ang sarili ko na maging mas mabuting missionary. Sa tulong ng isang inspiradong bishop, nagpasiya akong simulan ang paggawa ng Pansariling Pag-unlad. Upang maisagawa ang ilang mithiin at mga proyekto sa mabubuting gawa, kinailangan kong makibahagi sa genealogy. Kaya kumilos ako.

Alam kong ginabayan ako ng Espiritu, dahil isang Linggo ng gabi, pagkaraan lamang ng tatlong oras na paggawa, may kamangha-manghang nangyari.

Nang magsimula na ako, naalala ko na ang aking kalolo-lolohan ay naging gobernador ng estado ng Amazonas, Brazil. Kaya isinulat ko ang pangalan niya sa isang online search engine, at nagulat ako dahil may nakita akong isang Wikipedia page tungkol sa aking kalolo-lolohan at kalola-lolahan! Agad kong nakita sa kanila ang mga talento at kaloob na taglay ko, at nag-umapaw ang damdamin ko. Ngunit marami pang tutuklasin.

Nang tingnan ko ang mga link sa page, napansin ko na isa rito ang nagsabing “family tree.” Nag-klik ako roon, at natagpuan ko ang mga branch ng pamilya ko na hindi ko akalaing naroon. Ngunit ang lalong nakaagaw ng aking pansin ay ang pangalan ng aking tiya-sa-tuhod na si Rosalina Meireles, na nanirahan pala sa Utah.

Nagulat ako. Akala ko kaming magkapatid lang ang mga miyembro ng Simbahan. Talaga bang may iba pang mga miyembro ng Simbahan sa aking pamilya? Nang mag-klik ako sa pangalan niya, nakita ko ang isang link sa Facebook page, kaya kinontak ko siya. Sa loob ng dalawang araw nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya, na nagpapatibay na magkamag-anak kami at na siya rin ay miyembro ng Simbahan.

Napakalaki ng pasasalamat ko sa Ama sa Langit sa pagtutulot na madama ko ang gayong kagalakan sa sandaling iyon.

Patuloy akong naghanap ng mga yumaong ninuno ko, at biniyayaan ako ng Ama sa Langit ng napakaraming pangalan ng pamilya na madadala ko sa templo. Pero tinulungan din Niya akong mahanap ang mga buhay na miyembro ng pamilya na tapat sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. At utang ko itong lahat sa Pansariling Pag-unlad, sa gawain sa family history, at sa hangarin kong magmisyon.