2023
Ang Ilaw ng Sanlibutan
Enero 2023


“Ang Ilaw ng Sanlibutan,” Liahona, Ene. 2023.

Welcome sa Isyung Ito

Ang Ilaw ng Sanlibutan

Larawan
larawan ni Jesucristo

Detalye mula sa Focus on Joy [Magtuon sa Kagalakan], ni Michael T. Malm

Sa paglalakbay natin sa buhay na ito sa lupa, nahaharap tayo sa mga pagsubok, kabilang na ang mahihirap na sitwasyon sa pamilya. Ang mga hamong ito ay maaaring maging dahilan para madama natin na tayo ay pinabayaan, nababalisa, o nalulungkot. Kung babaling tayo sa tunay na pinagmumulan ng liwanag, ang Tagapagligtas na si Jesucristo, magagawa nating mas harapin ang ating mahihirap na sitwasyon.

Sa isyung ito, binalangkas ni Pangulong M. Russell Ballard ang mga paraan na malalampasan natin ang mga problema. Sabi niya, “Pinapawi ng liwanag [ni Cristo] ang mga anino ng mundo mula sa atin at sa ating isipan” (pahina 4).

Bilang dating marriage and family therapist, tinulungan ko ang maraming pamilyang naharap sa malalaking pagsubok. Ang mga pamilyang nag-ukol ng oras bawat araw na papasukin si Cristo sa kanilang buhay ay nakasumpong ng patnubay ng Kanyang liwanag at pagmamahal nang harapin nila ang kanilang mga pakikibaka. Ibinabahagi ko ang ilan sa mga kuwentong iyon sa aking artikulo sa pahina 8.

Nagpapasalamat ako sa sagradong pagkakataon ko, sa pamamagitan ng aking gawain, na makita ang mga pamilya at indibiduwal na nakikiisa sa Tagapagligtas sa landas tungo sa pagiging mga tao ng Sion (tingnan sa Moises 7:18). Nasulyapan ko nang bahagya ang langit sa bawat pagkakataon na nakita ko ang kamay ng Panginoon sa buhay ng isang tao.

Nagpapasalamat,

Christy Monson