2023
Paano Nagpapakita ng Pagsunod ang Pagpapabinyag?
Enero 2023


Paano Nagpapakita ng Pagsunod ang Pagpapabinyag?,” Liahona, Ene. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3

Paano Nagpapakita ng Pagsunod ang Pagpapabinyag?

Ang ating Tagapagligtas ang perpektong halimbawa ng pagsunod sa Ama sa Langit, na nagsasabing, “Hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin” (Juan 5:30).

Bininyagan ang Tagapagligtas para ipakita ang Kanyang ganap na pagsunod sa Ama sa Langit. Gayundin, kapag ipinapakita natin ang ating pagsunod sa pamamagitan ng pagpapabinyag, nakikipagtipan tayo sa Diyos na tayo ay magiging tapat at masunuring mga disipulo ni Jesucristo. (Tingnan sa 2 Nephi 31:5–13)

Larawan
si Juan habang binibinyagan si Jesus

Ang isang paglalarawan ng pagsunod ng Tagapagligtas ay matatagpuan sa salaysay tungkol sa Kanyang binyag:

“At mula sa Galilea pumunta si Jesus kay Juan sa Jordan upang magpabautismo sa kanya.

“Ibig siyang hadlangan ni Juan, na nagsasabi, ‘Ako ang dapat mong bautismuhan, at ikaw pa ang lumalapit sa akin?

“Ngunit sumagot si Jesus sa kanya, ‘Hayaan mong mangyari ito ngayon, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang matupad ang buong katuwiran’” (Mateo 3:13–15).

John Baptizing Jesus [Binibinyagan ni Juan si Jesus], ni Harry Anderson