2023
Pagsalig sa mga Turo ni Jesucristo
Pebrero 2023


“Pagsalig sa mga Turo ni Jesucristo,” Liahona, Peb. 2023.

Para sa mga Magulang

Pagsalig sa mga Turo ni Jesucristo

Larawan
mag-ama sa tabi ng isang cairn

Minamahal na mga Magulang,

Mahirap ang buhay, kahit sa matatapat. Pero magagamit ninyo ang mga artikulo sa isyung ito para ituro sa inyong mga anak na maaaring mapasaatin ang walang-hanggang kaligayahan kung sasalig tayo sa mga turo ni Jesucristo.

Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Pagsunod sa Espirituwal na “Cairns”

Sa artikulo ni Elder Renlund sa pahina 4, ano ang ilan sa mga tanda sa daan na inilaan ng Panginoon para tulungan tayong makarating sa ating walang-hanggang destinasyon? Talakayin sa inyong pamilya ang mga paraan na sinusunod ninyo ang mga tandang ito sa daan.

Isang Komunidad ng mga Banal na Mainit ang Pagtanggap

May banal na panawagan sa atin na tipunin ang Israel at ipadama sa lahat ng anak ng Diyos ang Kanyang pagmamahal para sa kanila. Ibuod ang kuwento sa pahina 8 tungkol sa isang ward na tumulong sa maraming refugee. Sino ang puwedeng tulungan ng inyong pamilya?

Tulong sa Di-inaasahang mga Paraan

Hindi tayo palaging tinutulungan ng Tagapagligtas sa paraang inaasahan natin. Basahin ang artikulo sa pahina 14 tungkol sa iba’t ibang paraan na sinagip Niya ang Kanyang mga disipulo mula sa mga bagyo. Ano ang ilan sa mga himalang ginawa ng Tagapagligtas para sa inyong pamilya, at dumating ba ang anuman sa mga ito sa di-inaasahang mga paraan?

Walang-Hanggang Kapayapaan at Tiwala

Basahin ang artikulo ni Elder Kyungu sa pahina 40 tungkol sa kahalagahan ng pag-alam sa kalooban ng Panginoon at matapat na pagtanggap dito. Bilang pamilya, talakayin kung ano ang ibig sabihin ng isuko ang inyong kalooban sa Diyos. Ano ang magagawa ng Diyos sa ating buhay kapag ginagawa natin ang ipinagagawa Niya sa atin?

Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pinagpala ng mga Lubos na Pagpapala o Beatitudes

Sa Mateo 5, itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo ang mas mataas na batas na ipamumuhay upang sila ay maging katulad Niya.

  1. Basahin ang beatitudes o mga lubos na pagpapala sa Mateo 5:1–12. Pag-usapan ang bawat katangian at ang pangakong kaakibat nito.

  2. Isulat ang pangalan ng bawat tao sa isang hiwalay na papel.

  3. Bigyan ng isang papel ang bawat tao, na tinitiyak na hindi nila makuha ang papel kung saan nakasulat ang sarili nilang pangalan.

  4. Pagdrowingin silang lahat ng isang pagkakataon na ipinakita ng taong nakasulat ang pangalan sa papel na nakuha nila ang isa sa mga beatitudes o lubos na pagpapala. Sumulat ng pangungusap tungkol dito. Halimbawa, “Si Hannah ay isang tagapamayapa dahil nagbahagi siya sa kanyang kapatid.”

  5. Hanapin ang basbas na kaakibat ng beatitude o lubos na pagpapala na iyon at isulat iyon sa bandang ilalim ng pahina.

  6. Maghalinhinan sa pagbabahagi ng isinulat.

Talakayan: Paano tayo nakadarama ng walang-hanggang kaligayahan sa pamumuhay ayon sa paraang itinuro ni Jesucristo? Paano tayo matutulungan ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas na magkaroon ng mga katangiang ito?