2023
Paghahanda para sa Pag-interbyu sa Iyo ng Panginoon
Pebrero 2023


“Paghahanda para sa Pag-interbyu sa Iyo ng Panginoon,” Liahona, Peb. 2023.

Pagtanda nang May Katapatan

Paghahanda para sa Pag-interbyu sa Iyo ng Panginoon

Ang mga interbyu sa priesthood na mayroon tayo ngayon ay makakatulong sa atin na maghanda para sa pag-interbyu sa atin ng Panginoon balang-araw.

Larawan
larawan ng Tagapagligtas

Christ’s Image [Painting ng Larawan ni Cristo], ni Heinrich Hofmann

Hindi nagtagal matapos akong mabinyagan bilang convert, tinawag akong maging counselor sa elders quorum presidency. Sa una kong pakikipag-usap sa aming quorum president, sinabi niya na sa darating na linggo ay mag-iiskedyul kami ng mga interbyu.

Nang itanong ko kung sino ang iinterbyuhin namin at kung ano ang magiging layunin ng mga interbyu, sinabi niya, “Kabilang sa mga pag-interbyu natin ang ilang paulit-ulit na mga tanong, at pag-uusapan natin ang mga pangangailangan ng korum at ng mga pamilya. Pero gusto kong isipin na ang layunin ng mga pag-interbyu natin ay tulungan ang mga miyembro ng ating korum na maging handa para sa pag-interbyu sa kanila ng Panginoon balang-araw.”

Isang espirituwal na kabatiran iyon na naaalala ko pa rin, kahit narinig ko iyon 23 taon na ang nakalipas.

Ang Mahalaga ay Kung Paano Tayo Naglilingkod

Sa loob ng anim na buwan, nagbago ang mga hangganan ng aming stake at ward. Tinawag ako bilang elders quorum president para sa bago naming ward, kahit nakaiskedyul akong lumipat ng estado sa loob ng tatlong buwan. Nang i-set apart ako ng stake president, sabi niya, “Brother Neubauer, walang pakialam ang Panginoon kung gaano katagal tayo naglilingkod; ang mahalaga sa Kanya ay kung paano tayo naglilingkod.” Kaya sa panahong mayroon ako, ininterbyu ko ang maraming miyembro ng korum hangga’t maaari.

Kalaunan, noong 70 anyos na ako, muli akong tinawag na maging elders quorum president. Nangyari ito pagkatapos lang ipahayag noon ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol na sa bawat ward o branch, pagsasamahin sa isang korum ang mga high priest at elder. Naalala ko ang kabatirang naibahagi sa akin ng una kong elders quorum president maraming taon na ang nakalipas: “Ang layunin ng mga pag-interbyu natin ay tulungan ang mga miyembro ng ating korum na maging handa para sa pag-interbyu sa kanila ng Panginoon balang-araw.”

Kaya paano tinutulungan ng isang lider ang isang miyembro ng korum na maghanda para sa pag-interbyu ng Panginoon? Sa mga interbyu sa ministering at sa mga talakayan ng korum, naitanong ko sa mga miyembro ng korum: “Kung alam ninyo na sa loob ng anim na buwan ay tatayo kayo sa harap ng Panginoon, ano ang babaguhin ninyo sa inyong buhay bilang paghahanda para sa sandaling iyon?” Kadalasan ay hinahayaan ko ang mga tao na pag-isipan lang ang sagot. Pero kung minsa’y may isang taong nagbabahagi ng mga personal na kabatiran kung ano ang madarama nila sa sandaling iyon na kasama ang Panginoon.

Larawan
lalaking nagtutulak ng bato paakyat ng burol

Anong mga Bundok ang Kailangang Lumipat?

Naibahagi ko rin sa mga miyembro ng korum ang mga pahayag na ito mula kay Pangulong Russell M. Nelson: “Ginagamit ng Panginoon ang malamang na hindi mangyari para isakatuparan ang imposible.”1 “Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, malilipat natin ang mga bundok sa ating buhay.”2 Pagkatapos ay may isa pa akong itinanong: “Ano kaya ang pinakagusto mong gawin kapag muling pumarito ang Panginoon?” Hinilingan ko silang pagnilayan kung anong mga bundok sa kanilang buhay ang kailangang ilipat upang magawa nila ang gusto nilang gawin kapag muling pumarito ang Panginoon, kung ano ang kailangan nilang gawin para maging handang makipag-usap sa Kanya nang harapan.

Sinasabi sa atin sa mga banal na kasulatan na balang-araw ay tatayo tayo sa harap ng Panginoon para mahatulan: “At ito ay mangyayari na kapag ang lahat ng tao ay makalampas mula sa unang kamatayang ito tungo sa pagkabuhay, kung kaya nga’t sila ay naging walang kamatayan, sila ay tiyak na haharap sa hukumang-luklukan ng Banal ng Israel; at ang kahatulan ay igagawad, at sila’y kailangang hatulan alinsunod sa banal na paghuhukom ng Diyos” (2 Nephi 9:15).

Dalangin ko na sa pag-iisip nang maaga kung ano ang gusto nating sabihin at kahinatnan sa dakilang araw na iyon, magagawa ng bawat isa sa atin na ilipat ang anumang bundok na kailangang ilipat upang maging handa tayo sa pag-interbyu sa atin ng Panginoon.

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.