Institute
Lesson 9 Materyal ng Titser: Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-hanggan


“Lesson 9 Materyal ng Titser: Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-hanggan,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 9 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Lesson 9 Materyal ng Titser

Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-hanggan

Ang pagtanggap ng mga ordenansa sa templo para sa ating sarili at para sa ating mga yumaong ninuno ay nagpapalakas sa atin at tumutulong sa atin na magkaroon ng sarili nating walang-hanggang pamilya. Ang paglilingkod sa family history at sa templo ay mahalaga rin sa pagtulong sa ating Ama sa Langit na mabuklod ang Kanyang pamilya. Dahil sa lesson na ito, maipapaliwanag ng mga estudyante ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin sa pamamagitan ng paglilingkod sa templo at family history. Aanyayahan din ang mga estudyante na alamin ang mga paraan na maaari nilang simulan o ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap na tuklasin ang tungkol sa kanilang mga yumaong ninuno at magsagawa ng mga ordenansa para sa kanila sa templo.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Nais ng Ama sa Langit na magbigay ng kapangyarihan at lakas sa Kanyang mga anak.

Maaari mong simulan ang lesson sa pagpapakita ng sumusunod na tanong at pag-anyaya sa mga estudyante na isulat sa pisara ang kanilang mga sagot:

Bilang mga young adult sa mundo ngayon, anong espirituwal na kapangyarihan o pagpapala ang lubos na kailangan ninyo at bakit?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pangatlong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ChurchofJesusChrist.org). Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang nalalaman nila tungkol sa ginagampanan ng mga tipan at ordenansa sa plano ng Diyos.

Bigyan ang mga estudyante ng oras na marebyu nang mabuti ang mga pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Anyayahan silang ibahagi ang natutuhan nila mula kay Pangulong Nelson tungkol sa mga ordenansa at tipan ng priesthood. Sa pagbabahagi ng mga estudyante, tulungan silang matukoy ang mga katotohanang tulad ng mga sumusunod: Ang pagtanggap ng mga ordenansa at tipan ay magpapatatag sa ating pagsasama bilang mag-asawa at pamilya. Kapag tinanggap at tinupad natin ang mga ordenansa at tipan ng priesthood, binibiyayaan tayo ng Diyos ng Kanyang kapangyarihan (tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 109:22).

  • Sa paanong mga paraan nabigyang-kakayahan o napalakas kayo at ang inyong pamilya ng mga ordenansa at tipan ng priesthood? (Inanyayahan ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang tanong na ito sa materyal sa paghahanda.)

Maaari mong patotohanan ang isa o mahigit pa sa mga pagpapalang ito sa iyong sariling buhay at pamilya. Hikayatin ang mga estudyante na mithiin at sikaping matanggap ang mga ordenansa sa templo kung hindi pa nila natatanggap ang mga ito at tuparin ang mga tipang ginawa nila.

Hangad ng ating Ama sa Langit ang kaligtasan para sa lahat ng Kanyang pamilya.

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo para magawa ang sumusunod na aktibidad. Bigyan ang bawat grupo ng isang kopya ng sumusunod na handout. (O maaari kang maghanda ng isang katulad nito kung gusto mong iakma ang sitwasyon para mas makaugnay ito sa mga kalagayan ng iyong mga estudyante.) Anyayahan ang bawat grupo na sundin ang mga instruksyon sa handout.

Ang Doktrina ng Pagtubos sa mga Patay

Manwal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya—Lesson 9

Basahin ang sumusunod na sitwasyon, at talakayin ang mga kalakip na tanong bilang isang grupo.

Isang kaibigan na kabilang sa ibang relihiyon ang dumalo kamakailan sa isang temple open house. Doon, narinig niyang pinag-uusapan ng mga tao ang pagsasagawa ng mga ordenansa para sa ating mga yumaong ninuno. Makalipas ang ilang araw, itinanong niya sa inyo, “Bakit gumagawa ang simbahan ninyo ng mga seremonya para sa mga patay?”

  • Paano ninyo sasagutin ang tanong ng inyong kaibigan? (Matapos ninyong talakayin ang tanong na ito, maaaring rebyuhin ng inyong grupo ang pahayag ni Pangulong Joseph F. Smith sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Maaari din ninyong sama-samang rebyuhin ang 1 Corinto 15:29.)

  • Ano ang itinuturo sa atin ng doktrina ng pagtubos ng mga patay tungkol sa katangian, hangarin, at kapangyarihang tumulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

Ang Doktrina ng Pagtubos sa mga Patay

Larawan
handout ng titser

Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang isa o dalawang estudyante na magbahagi ng natutuhan nila sa kanilang talakayan sa grupo.

Sama-samang rebyuhin ang Doktrina at mgaTipan 128:15, at talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ayon sa talatang ito, bakit mahalaga para sa atin na tumanggap ng mga ordenansa sa templo para sa ating mga yumaong ninuno? (Gamit ang mga salita ng mga estudyante, isulat sa pisara ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang kaligtasan ng ating mga yumaong ninuno ay kinakailangan at mahalaga sa ating sariling kaligtasan at kasakdalan.)

  • Sa inyong palagay, bakit kinakailangan ang kaligtasan ng ating mga ninuno para sa ating sariling kaligtasan at kasakdalan?

  • Paano tayo nagiging higit na katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtuklas ng tungkol sa ating mga yumaong ninuno at pagtanggap ng mga ordenansa sa templo para sa kanila? (Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang nadarama nila sa Tagapagligtas para sa Kanyang mga pagsisikap na gawin ang isang bagay para sa kanila na hindi nila magagawa para sa kanilang sarili. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na isipin kung ano ang maaaring madama ng ating mga yumaong ninuno kapag tumatanggap tayo ng nakapagliligtas na mga ordenansa para sa kanila na hindi nila matatanggap para sa kanilang sarili.

Pinagpapala ng Panginoon ang mga naglilingkod sa templo at family history.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Gumawa ng mga paanyaya na naghihikayat ng pagsasagawa. Pinalalalim ng mga estudyante ang kanilang natututuhan sa ebanghelyo kapag ipinamumuhay nila ang mga tunay na alituntunin at katotohanan ng doktrina. Ang pagkilos nang may pananampalataya ay tumutulong sa kanila na magbalik-loob sa Tagapagligtas at matanggap ang mga pagpapalang ipinangako Niya sa mga masunurin. Habang naghahanda kang tulungan ang mga estudyante sa klase, unahin ang mga tanong at aktibidad na naghihikayat ng pagsasagawa.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na may magagamit na electronic device na pumunta sa FamilySearch.org o sa FamilySearch Family Tree app. (Maaari mo ring idispley ang website o ang app para sa klase o imungkahi sa mga estudyanteng walang device na makitingin sa isang kaklase na mayroon nito.) Sama-samang tuklasin ang ilan sa mga feature ng website o app. Isipin kung alin sa mga sumusunod na tanong ang maaaring makatulong na talakayin:

  • Ano ang naging karanasan ninyo sa paggawa ng family history?

  • Ano ang humahadlang sa inyo o nakahadlang sa inyo noon sa paggawa ng family history? Paano ninyo nadaig ang ganitong mga uri ng balakid? Paano kayo tinulungan ng Panginoon sa inyong mga pagsisikap?

  • Kung nakatanggap na kayo ng mga ordenansa sa templo para sa inyong mga ninuno, ano ang nadama ninyo noong panahong iyon?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilista ang ilan sa mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon at ng Kanyang mga lider ng Simbahan sa mga nakikibahagi sa paglilingkod sa templo at family history.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang espirituwal na kapangyarihan o mga pagpapalang lubos na kailangan nila sa panahong ito (sabihin sa kanila na rebyuhin ang nakalista sa pisara mula sa simula ng lesson). Sabihin sa mga estudyante na ibahagi o patotohanan kung kailan nila naranasan ang ganitong uri ng mga pagpapala nang nakibahagi sila sa paglilingkod sa templo at family history.

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na maisulat kung paano nila maipamumuhay ang natutuhan nila sa lesson na ito. Hikayatin silang magtakda ng mithiin na sa palagay nila ay magagawa nila upang regular na makapaglingkod sa templo at family history. Maaari din nilang itala ang mga pagpapalang inaasam nilang matanggap mula sa paggawa nito.

Paalala: Maghanap ng mga pagkakataon sa mga susunod na klase na itanong sa mga estudyante kung ano na ang nagagawa nila sa kanilang mga mithiin sa templo at family history.

Para sa Susunod

Sa pagtatapos ng klase o sa buong linggo, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-interbyu ng isang mag-asawang nabuklod sa templo. Sabihin sa mga estudyante na itanong sa mag-asawa kung paano nakaapekto sa kanilang pagsasama ang mga tipang ginawa nila nang sila ay mabuklod at kung paano sila nagsisikap na mas mapalapit sa Diyos.