2014
Adan
Enero 2014


Mga Propeta sa Lumang Tipan

Adan

“Ilang tao lamang sa buong kawalang-hanggan ang mas tuwirang nakabahagi sa plano ng kaligtasan … tulad ng lalaking si Adan.”1

Kilala ako ng karamihan bilang unang tao na nabuhay sa lupa, ngunit maraming hindi nakaaalam na nagkaroon ako ng natatanging responsibilidad bago ako naparito sa lupa. Sa buhay bago isilang, ako ang namuno sa mga hukbo ng Diyos laban sa mga hukbo ni Satanas sa Digmaan sa Langit,2 at tinulungan ko si Jesucristo sa paglikha ng mundo.3 Kilala ako noon bilang Miguel, na ibig sabihi’y “yaong tulad ng Diyos.”4

Pinili ako ng Diyos na maging unang tao sa lupa at inilagay ako sa Halamanan ng Eden, isang paraiso na may iba’t ibang uri ng mga halaman at hayop. Hiningahan Niya ako “ng hininga ng buhay”5 at binigyan ako ng bagong pangalan: Adan.6

Sinabi ng Diyos sa amin ng asawa kong si Eva na huwag kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama.7 Kung hindi namin kinain ang bunga, namalagi sana kami sa halamanan at nabuhay magpakailanman, pero hindi kami “uunlad dahil hindi [kami] daranas ng oposisyon sa buhay na ito”8 o magkakaanak.9 Kami ang magpapasiya.

Dahil pinili naming kainin ang bunga, kinailangan naming lisanin ang halamanan at ang kinaroroonan ng Diyos. Ito ang tinatawag na Pagkahulog. Kami ay naging mortal, dumanas kapwa ng mabuti at masama sa buhay, at nagkaroon ng mga anak sa mundo.10

Batid ng Diyos na mangyayari ang Pagkahulog—isinugo Niya si Jesucristo upang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan at madaig ang kamatayan upang makababalik tayo at ang ating mga anak sa Kanya.11

Natutuhan namin ni Eva ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo—pati na ang pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas—at itinuro namin ito sa aming mga anak.12

Dahil sa mga karanasan ko, nabuksan ang aking mga mata, at nagalak ako sa buhay na ito.13 Tandaan na madarama rin ninyo ang pagmamahal ng Diyos at maaari kayong makabalik sa Kanya kung susundin ninyo si Jesucristo,14 tulad ng natutuhan kong gawin.

Mula kaliwa: painting ni Dan Baxter; Sina Adan at Eva sa Halamanan, ni Lowell Bruce Bennett; Paglisan sa Halamanan ng Eden, ni Joseph Brickey; Kahalintulad, ni Joseph Brickey; Tinuturuan nina Adan at Eva ang Kanilang mga Anak, ni Del Parson; Inoorden ni Adan si Set, ni Del Parson; Adan-ondi-Ahman, ni Del Parson; Tinatalo ni Miguel Arkanghel si Satanas, ni Guido Reni/Bridgeman Art Library/Getty Images; background mula sa iStockphoto/Thinkstock