2014
Larawan ng Propeta: Harold B. Lee
Enero 2014


Larawan ng Propeta

Harold B. Lee

Larawan
Product Shot of November 2013 Friend

Paglalarawan ni Robert T. Barrett

Natutuhan ni Harold B. Lee na makilala ang Espiritu sa murang edad. Isang araw papunta sana siya sa ilang lumang-lumang kubol, ngunit may tinig na tumawag sa kanyang pangalan at sinabihan siyang huwag pumunta roon. Sumunod si Harold. Patuloy niyang sinunod ang Espiritu sa buong buhay niya, tulad nang pamunuan niya ang Welfare Program ng Simbahan. Pinamunuan din niya ang departamento ng Simbahan na siyang bumuo ng mga materyal sa pag-aaral para tulungan ang mga miyembro na makilala ang Espiritu sa sarili nilang buhay.