2014
Ano ang ibig sabihin ng maging Kristiyano?
Enero 2014


Natatanging Saksi

Ano ang ibig sabihin ng maging Kristiyano?

Mula sa “Pagiging Mas Kristiyanong Kristiyano,” Liahona, Nob. 2012, 90–92.

Larawan
Elder Robert D. Hales

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay natatanging mga saksi ni Jesucristo.

Ang isang Kristiyano ay may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.

Ang isang Kristiyano ay naniniwala na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos Ama at ng Kanyang Anak na si Jesucristo, maaari tayong magsisi.

Ang katagang Kristiyano ay nangangahulugan na tinataglay natin ang pangalan ni Cristo. Ginagawa natin ito sa pagpapabinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo.

Para maging katulad [tayo] ng nais ng Ama sa Langit, sinusunod natin si Jesucristo.

Paglalarawan ni Andrew Bosley