2014
Naghanda ng Paraan ang Ama sa Langit para Makabalik Ako sa Kanya
Enero 2014


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Naghanda ng Paraan ang Ama sa Langit para Makabalik Ako sa Kanya

Alamin ang iba pa tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito!

Bago tayo pumarito sa lupa, lahat tayo ay nanirahan sa langit sa piling ng ating Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo.

Inilahad ng Ama sa Langit ang Kanyang plano para sa atin. Pinili nating sundin ang plano ng Ama sa Langit at pumarito sa lupa.

Mahal tayo ng Ama sa Langit at nais Niyang makabalik tayo sa Kanya. Isinugo niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo para ipakita sa atin ang daan at tulungan tayong makabalik sa Kanya.

Sinusundan natin ang landas pabalik sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng:

  • pagpapabinyag at pagpapakumpirma,

  • pakikibahagi ng sakramento,

  • paggawa ng mga tipan sa templo,

  • at pamumuhay nang may pananampalataya.

Kapag bumalik tayo sa Ama sa Langit, malugod Niya tayong tatanggapin!

Larawan ng daigdig © Corbis; detalye mula sa Ang Panginoong Jesucristo, ni Del Parson; mga paglalarawan nina Welden C. Andersen, Cody Bell, Craig Dimond, Matthew Reier, Christina Smith; mga paglalarawan ni Steve Kropp