2014
Pagtanggap ng Patotoo mula sa Espiritu Santo
Enero 2014


Pagtanggap ng Patotoo mula sa Espiritu Santo

Tamara O., Brazil

Nang sumapi ako sa Simbahan sa edad na siyam, naniniwala na ako na ang Simbahan ay totoo, kaya naisip ko na hindi na kailangan pang itanong sa Diyos kung ito ay totoo. Matapos maging miyembro nang ilang taon, nagsimula akong mag-alinlangan. Pagkatapos sa isang sacrament meeting, habang pinakikinggan ko ang himnong “Unang Panalangin ni Joseph Smith,” (Mga Himno, blg. 20), nagdasal ako at nagtanong sa Ama sa Langit kung totoo ang Simbahan at kung talagang Siya at si Jesucristo ay nakita ni Joseph Smith. Pumasok sa isipan ko na oo, ang Simbahan ni Jesucristo ay totoo, at oo, nakita ni Joseph ang Diyos Ama at si Jesucristo. Napuno ng luha ang aking mga mata, at nadama kong nag-alab ang Espiritu Santo sa puso ko.

Ngayo’y mapagtitibay ko na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo na totoo ang Simbahang ito. Alam ko na nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo, at hindi ko ito maikakaila. Ang patotoong ito ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatotoo sa iba.