2014
Maging Pinakamabuti—Simula Ngayon
Enero 2014


Mga Kabataan

Maging Pinakamabuti—Simula Ngayon

Itinuro ni Pangulong Uchtdorf na “mailalabas ng ating mga pansariling mithiin ang pinakamabuti sa atin.” Isiping magtakda ng ilang mithiin sa dalawa o tatlong aspeto ng iyong buhay, halimbawa, tulad ng pisikal na kalusugan, espirituwal na kalusugan, at mga pakikipagkaibigan. Anong mga tagumpay ang gusto mong makamit sa mga aspetong ito ngayong taon? Habang mapanalangin mong iniisip ang ilang mithiin, tiyakin na posibleng makamtan ang mga ito at pauunlarin ka rin. Sa iyong journal, idetalye ang iyong mga mithiin para makita mo ang iyong pag-unlad pagkaraan ng isang taon.

Mga paglalarawan nina Christina Smith at Cody Bell