2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Enero 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Paghahanda ng mga Regalo para sa Inyong Magiging Pamilya,” pahina 46: Matapos basahin ang artikulo ni Pangulong Eyring, isiping magdaos ng talent show ang pamilya kung saan maipapakita ng mga magulang at mga anak ang kanilang talento. Matapos makapagpakita ng talento ang lahat, maaaring maglarawan ang mga magulang ng mga paraan kung paano pinagpapala ng kanilang mga talento ang pamilya. Pagkatapos ay maaari nilang ipabahagi sa mga bata kung paano pinagpapala ng kanilang mga talento ang pamilya—at paano nito pagpapalain ang kanilang magiging pamilya balang-araw. Maaaring hikayatin ng mga magulang ang mga bata na magtakda ng mga mithiin para patuloy nilang mapaunlad ang kanilang mga talento.

“Hamon sa Pagbabasa ng Lumang Tipan,” pahina 74: Isiping simulan ang hamon na basahin ang Lumang Tipan bilang pamilya. Maaari ninyong pilasin ang coloring chart mula sa magasin o mag-print ng kopya mula sa liahona.lds.org para markahan ang inyong progreso. Basahin at talakayin ang iminungkahing mga talata sa banal na kasulatan bilang pamilya at isiping gumawa ng plano para makumpleto ang lingguhang hamon na magbasa ngayong taon.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.

Paglalarawan ni Cody Bell