2015
Media Initiative para sa Pasko
Nobyembre 2015


Media Initiative para sa Pasko

Sa Kapaskuhan ngayong 2015, ilalabas ng Simbahan ang isang multimedia initiative na pinamagatang “Isinilang ang Isang Tagapagligtas.” Ang proyekto ay nakatuon sa paghahanap, pagkilala, at pagsunod kay Jesucristo at pagtanggap ng mga pagpapalang dulot ng Kanyang pagsilang, mga turo, at Pagbabayad-sala. Ang sentro ng inisyatibong ito ay ang isang bagong video tampok ang mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nagbabahagi ng kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at ipinagdiriwang ang Kanyang pagsilang sa Betlehem mahigit 2,000 taon na ang nakararaan. Panoorin ang video at alamin ang iba pa tungkol sa kahalagahan ni Jesucristo sa pagbisita sa pasko.mormon.org/tgl.