2015
Elder Gerrit W. Gong
Nobyembre 2015


Elder Gerrit W. Gong

Panguluhan ng Pitumpu

Naaalala ni Elder Gerrit W. Gong, na tinawag kamakailan sa Panguluhan ng Pitumpu, ang isang pahiwatig na nadama niya habang nagmimisyon siya sa Taiwan.

Pumasok ang isang investigator sa sacrament meeting. “Nagkainspirasyon akong sulatan siya ng maikling liham sa Morse code na nagsasabi ng ganito, ‘Welcome sa sacrament meeting. Masaya akong makita ka rito!’”

Nagkataon na ang investigator ay isa palang radio operator at natuwang matanggap ang mensahe. “Namangha ako na natulungan ako ng isang bagay na natutuhan ko ilang taon na ang nakararaan … na matulungan ang isang tao sa isang partikular na paraan,” sabi ni Elder Gong.

Ang pag-aaral at pagtulong sa iba ay naging bahagi na ng buhay ni Elder Gong simula noong bata pa siya, nang matuto siya ng Morse code bilang isang Boy Scout. Noong 1977 tumanggap siya ng bachelor of arts degree sa Asian Studies at sa University Studies mula sa Brigham Young University, noong 1979 tumanggap siya ng master of philosophy degree, at noong 1981 tumanggap siya ng PhD sa international relations mula sa Oxford University.

Si Elder Gong ay nakapaglingkod na sa maraming calling sa Simbahan, kabilang na ang pagiging high councilor, high priests group leader, stake Sunday School president, seminary teacher, bishop, stake mission president, stake president, at Area Seventy. Nang tawagin siya bilang General Authority Seventy noong 2010, naglilingkod siya bilang miyembro ng Panlimang Korum ng Pitumpu sa Utah South Area.

Noong 1985 si Elder Gong ay naglingkod bilang special assistant sa undersecretary of state sa U.S. State Department, at noong 1987 nagtrabaho siya bilang special assistant sa U.S. Ambassador sa Beijing, China. Mula 1989 hanggang 2001 naglingkod siya sa ilang katungkulan sa Center for Strategic and International Studies sa Washington, D.C.

Si Gerrit W. Gong ay ipinanganak sa Redwood City, California, USA, noong 1953. Siya at ang asawa niyang si Susan Lindsay Gong ay may apat na anak at tatlong apo. Ang mga lolo’t lola ni Elder Gong ay nandayuhan sa Estados Unidos mula sa China. Natunton niya ang 33 henerasyon ng kanyang angkan kay First Dragon Gong, na isinilang noong a.d. 837 sa katimugang China noong huling bahagi ng Tang dynasty.