2015
Sumali ang mga Lider na Kababaihan sa mga Council sa Simbahan
Nobyembre 2015


Sumali ang mga Lider na Kababaihan sa mga Council ng Simbahan

Inanyayahan ng Simbahan ang kababaihan na maglingkod sa tatlong pangunahing leadership council.

Si Sister Linda K. Burton, Relief Society general president, ay maglilingkod sa Priesthood and Family Executive Council (dating Priesthood Executive Council). Si Sister Bonnie L. Oscarson, Young Women general president, ay maglilingkod sa Missionary Executive Council. At si Sister Rosemary M. Wixom, Primary general president, ay maglilingkod sa Temple and Family History Executive Council.

Bagama’t ang kababaihan sa mga general presidency ng Relief Society, Young Women, at Primary ay regular nang tumutulong at nagpapayo sa mga council na ito nang ilang dekada, ang paanyayang ito ay naglalaan ng patuloy na tungkulin sa mga council.

Mula sa kaliwa: Rosemary M. Wixom, Primary general president; Bonnie L. Oscarson, Young Women general president; Linda K. Burton, Relief Society general president