2015
LDS Edition ng Biblia sa Wikang Portuges
Nobyembre 2015


LDS Edition ng Biblia sa Wikang Portuges

Ang LDS edition ng Banal na Biblia sa wikang Portuges ay nagagamit na online noon pang Setyembre sa AsEscrituras.lds.org gayon din sa Gospel Library mobile application. Ang iba pang mga format, tulad ng ePub at PDF version, ay magagamit na rin. Ang print version ay magagamit sa Marso 2016, at ang mga edisyon sa audio at Braille ay darating din sa 2016.

Ang bagong edisyon, na pinamagatang Bíblia Sagrada, Almeida 2015, ay batay sa 1914 edition ng pagsasalin ng Biblia ni João Ferreira Annes de Almeida, na napili dahil sa mataas na kalidad ng pagsasalin nito. Sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol, isang grupo ng mga General Authority, Area Seventy, propesyonal na lingguwista, at miyembro ng Simbahan ang nagsikap nang limang taon na pag-aralan at ihanda ang LDS edition. Halos 1.4 na milyong miyembro ng Simbahan ang nagsasalita ng Portuges.