2017
Mga Bagong Tinawag Ibinalita
May 2017


Mga Bagong Tinawag Ibinalita

Sa pangkalahatang kumperensya, ibinalita ang pagtawag ng anim na bagong General Authority Seventy, isang bagong Relief Society General Presidency, at ang muling pag-organisa ng Primary General Presidency.

Tinawag na maglingkod bilang General Authority Seventy sina Elder Taylor G. Godoy, Elder Joni L. Koch, Elder Adilson de Paula Parrella, Elder John C. Pingree Jr., Elder Brian K. Taylor, at Elder Taniela B. Wakolo.

Si Jean B. Bingham ay maglilingkod bilang Relief Society General President, kasama sina Sharon Eubank bilang Unang Tagapagayo at Reyna I. Aburto bilang Pangalawang Tagapagayo. Bago siya tinawag, naglilingkod si Sister Bingham bilang Unang Tagapayo sa Primary General Presidency. Ibinalita na si Bonnie H. Cordon, na naglilingkod noon bilang Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency, ang bagong Unang Tagapayo, kasama si Cristina B. Franco bilang Pangalawang Tagapayo.

Ang mga talambuhay ay matatagpuan simula sa pahina 135. Ibinalita rin ang tinawag na 36 na mga Area Seventy (tingnan sa pahina 44).