2017
Mga Bagong Produkto at Resources
May 2017


Mga Bagong Produkto at Resources

Narito ang buod ng mga bagong produkto at resources na inilabas ng Simbahan kamakailan.

Mga kuwento sa mga banal na kasulatan at mga aklat na kukulayan. Upang makahikayat ng pansarili at pampamilyang pag-aaral, naglabas ang Simbahan ng bagong resources ng mga kuwento sa mga banal na kasulatan, simula sa isang serye ng mga aklat na kukulayan na dinisenyo para sa mga batang edad 2–8. Ang mga libreng PDF version ay nasa scripturestories.lds.org, at maaaring orderin ang mga printed version sa store.lds.org at sa mga Distribution Services center.

Ang mga aklat na kukulayan ay isasalin sa mga wikang may LDS edition ng mga banal na kasulatan. Ang isinaling mga version ay makukuha sa buong taon ng 2017, simula sa Spanish, Portuguese, French, Japanese, Korean, Chinese (tradisyunal), German, Russian, at Italian.

Mga Banal na Kasulatan. Ibinalita na ng Unang Panguluhan ang isang bagong pagsasalin ng triple combination ng mga banal na kasulatan sa French, na makukuha sa écritures.lds.org at sa Gospel Library mobile app. Kasama sa pagsasalin ang munting pagbabago sa pananalita sa isa sa mga panalangin sa sakramento. Ibinalita rin nila na isang pagsasalin ng triple combination sa Croatian ang makukuha online. Ang mga printed edition ng triple combination sa Croatian, Russian, at Icelandic ay idinagdag na rin kamakailan.

Tulong sa mga pamilyang may miyembrong dumaranas ng pagkaakit sa kaparehong kasarian. Upang matulungan ang mga miyembro na tumugon nang buong ingat at taimtim kapag naaakit sila sa kaparehong kasarian sa sarili nilang pamilya, sa ibang mga miyembro ng Simbahan, o sa ibang lugar, kasama sa resources ang bagong site na mormonandgay.lds.org at ang isang updated Gospel Topic tungkol sa pagkaakit sa kaparehong kasarian (sa Ingles), kabilang na ang mga madalas itanong at mga turo ng Simbahan.

Updated Gospel Library app. Ang app, na ginagamit ng mga miyembro sa buong mundo sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, mga mensahe sa kumperensya, at iba pang mga materyal, ay nag-release kamakailan ng isang mahalagang update kapwa para sa iOS at sa Android. Sa version 4, ang mga pantulong sa pag-aaral ay mas madaling maunawaan, ang mga feature at functionality ay mas pinag-isa, at may bagong video tutorial. Dahil annotatable na ngayon ang lahat ng content, maaari kayong mag-highlight, magdagdag ng mga komentaryo, mag-link, mag-tag, at mag-ayos ng lahat ng content sa notebook. Maaari kayong mag-annotate sa mga video, mga chapter heading sa banal na kasulatan at mga tulong sa pag-aaral, mga listahan sa iba’t ibang lesson manual, mga himno at awitin sa Primary, at iba pa.

Updated LDS Tools app. Pinadadali ng version 3.2.0 ng LDS Tools mobile app ang pagdalo sa templo. Tinutulutan ng karagdagang mga feature ang mga miyembro na makita ang templong naka-assign sa kanila, mahanap ang limang pinakamalalapit na templo, kontakin ang isang templo o alamin kung kailan ito naka-iskedyul na magsara, at mapaalalahanan bago mag-expire ang kanilang recommend.