2017
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
May 2017


Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

“Nais nating lahat na magturo na katulad ng pagtuturo ni Jesus,” sabi ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isang pandaigdigang brodkast para sa mga guro noong Nobyembre 5, 2016. “Ang kanyang tagubilin ay simple at tuwiran at makapangyarihan.”

Sinabi ni Elder Holland na ang resource na Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay tumutulong na mapagbuti ang pagtuturo sa Simbahan. Gayon din ang mga teacher council meeting at new-teacher orientation, na tinalakay sa brodkast. Ang brodkast ay makukuha sa 10 wika sa teach.lds.org, pati na ang sari-saring video at iba pang mga materyal para palakasin ang pagtuturo.