2017
Landas Tungo sa Edukasyon
May 2017


Landas Tungo sa Edukasyon

Ibinalita na ng Unang Panguluhan ang paglikha ng isang bagong global higher education organization sa Simbahan, na tinatawag na BYU–Pathway Worldwide. Ang bagong organisasyon ay magsisimulang patakbuhin sa Mayo 1, 2017. Bibigyan ng organisasyon ng mga oportunidad na makapag-aral ang mga taong hindi nagkaroon ng ganitong pagkakataon.

“Ang Pathway ay isang tulay sa mundo ng online college education at isang landas tungo sa mga oportunidad para sa matagumpay na kabuhayan,” sabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.