2020
Nagsisi si Nakababatang Alma
Hulyo 2020


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Nagsisi si Nakababatang Alma

Maaari mong basahin ang tungkol sa kuwentong ito sa Mosias 27.

Larawan
Alma talking with people

Si Alma ang anak ng propeta. Isinunod ang kanyang pangalan sa pangalan ng kanyang ama, ngunit hindi siya naniwala sa itinuro ng kanyang ama. Sinabi niya sa mga tao na hindi totoo ang Simbahan.

Larawan
angel appearing to Alma and others

Isang araw, nagpakita ang isang anghel kay Alma. Sinabihan ng anghel si Alma na magsisi.

Larawan
Alma looking asleep

Sa loob ng tatlong araw, parang tulog si Alma. Iniisip niya ang kanyang mga maling pagpili.

Larawan
Alma teaching others

Pagkatapos ay ipinagdasal ni Alma na mapatawad siya. At napatawad nga siya! Nadama niya ang pagmamahal ni Jesucristo. Gumising si Alma at itinuro niya sa iba kung paano siya iniligtas ni Jesus.

Larawan
kids in a car

Maaari akong magsisi kapag nakagawa ako ng maling pagpili. Palaging nariyan si Jesus para sa akin. ●

Mga paglalarawan ni Apryl Stott