2020
Bakit Ibinahagi ni Alma ang Kuwento tungkol kay Moises at sa Ahas na Tanso?
Hulyo 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Bakit Ibinahagi ni Alma ang Kuwento tungkol kay Moises at sa Ahas na Tanso?

Alma 32–35

Hulyo 13–19

Larawan
Why Does Alma Share the Story of Moses and the Brass Serpent?

Matapos ihambing ni Alma ang salita ng Diyos sa isang binhi (tingnan sa Alma 32:28–43), tinanong siya ng mga tao kung paano itatanim ang binhi. Ginamit ni Alma ang kuwento tungkol kay Moises at sa ahas na tanso mula sa Mga Bilang kabanata 21 bilang halimbawa ng pagkilos nang may pananampalataya (tingnan sa Alma 33:19–23).

Isang Kahalintulad ni Cristo

Ang kahalintulad ay isang bagay na kumakatawan sa o nagpapahiwatig ng isang bagay o tao. Nang matuklaw ng mga makamandag na ahas ang mga Israelita, itinaas ni Moises ang ahas na tanso, na naging isang kahalintulad ni Cristo. Lahat ng kumilos nang may pananampalataya at tumingin dito ay gumaling, sa parehong paraan na lahat ng kikilos ayon sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo ay espirituwal na gagaling.

Pinatigas ng Ilan ang Kanilang mga Puso

Kahit madali lamang tumingin, pinatigas ng ilang tao ang kanilang mga puso at tumanggi sila, at namatay sila dahil sa tuklaw. Bakit hindi sila tumingin? (tingnan sa Alma 33:20). Ano ang maituturo nito sa atin tungkol sa pananampalataya at kawalan ng paniniwala?

Mapapagaling Ka Ba?

Kung mapapagaling ka sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na kasingsimple lang ng pagtingin, hindi mo ba ito gagawin? Itinanong ni Alma ang bagay na ito at inanyayahan niya tayong umasa sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya (tingnan sa Alma 33:21–22).