2020
Ang Sekretong Sangkap
Hulyo 2020


Kaibigan sa Kaibigan

Ang Sekretong Sangkap

Hango mula sa “Ang Galak sa Di-Makasariling Paglilingkod,” Liahona, Nob. 2018, 55–57.

Larawan
The Secret Ingredient

Nais ng Ama sa Langit na maglingkod tayo sa ibang tao. Ang aking guro sa Primary ay isang magandang halimbawa ng paglilingkod. Kapag nagpupunta kami sa Primary, palaging nagdadala si Sister Antonietti ng chocolate cake. Ayoko ng chocolate cake! Gusto ito ng iba. Pero kailanma’y hindi ako kumain nito.

Isang araw, tinanong niya ako, “Bakit hindi ka tumikim ng kapiraso? Espesyal ang sangkap ng cake na ito.”

Pumayag akong tikman ito. Alam ba ninyo kung ano ang nangyari? Nagustuhan ko ito!

Makalipas ang maraming taon, sinabi sa akin ng aking ina kung ano ang sekretong sangkap ni Sister Antonietti. “Walang gaanong pera si Sister Antonietti,” sabi ng aking ina. “Bawat linggo kinailangan niyang pumili kung mamamasahe sila ng apat na anak niya sa bus papunta sa Primary o bibili siya ng mga sangkap ng chocolate cake para sa klase ninyo. Palagi niyang pinipili ang chocolate cake. Kaya sa halip na sumakay ng bus, naglalakad siya nang mahigit dalawang milya [3 km], papunta at pabalik, anuman ang lagay ng panahon.”

Ang sekretong sangkap ni Sister Antonietti ay ang pagmamahal niya sa iba! ●