2020
Mga Kabataan
Hulyo 2020


Mga Kabataan

Larawan
Adriana hugging a friend

Larawang kuha ni Raul Sandoval

Mas gusto kong magluto kaysa gumawa ng ibang bagay. Gumagawa ako ng mga pastry, cupcake, maliliit na cookie, putaheng may karne at kanin—halos lahat kaya ko! Mahilig rin akong magturo sa mga klase. Gustung-gusto ko kapag naaanyayahan akong magturo sa klase ng Young Women.

Nagpunta ako sa FSY conference dahil may tanong ako na gusto kong masagot. May iskolarsip na ako sa kolehiyo, pero nadarama ko na dapat akong magmisyon. Kung aalis ako, mawawala ang aking iskolarsip. Pero kung mananatili ako at magiging guro, maaari akong magtrabaho at kasabay nito ay matutustusan ko ang aking pag-aaral. Sa FSY, isang babae ang nagsalita tungkol sa kanyang patriarchal blessing. Naghahanda na ako ngayon na matanggap ang aking patriarchal blessing, at umaasa ako na kapag natanggap ko ito, mas malalaman ko kung ano ang pinlano ng Ama sa Langit para sa akin. Gustung-gusto ko ang mga programang pangkabataan at FSY dahil pinapalakas nito ang mga kabataan. Dahil sa totoo lang, kailangan nating lahat ng kapayapaan.

Kalaunan matapos akong mabinyagan, may mga pagkakataon na hindi ako nagsisimba, at pagkatapos ay nagsisimba akong muli, at pagkatapos ay hindi na naman ako nagsisimba. Pero dinalaw ako ng mga miyembro ng ward at inanyayahan nila akong bumalik. Sinabi nila sa akin na hinahanap at kailangan ako ng mga miyembro at ng Simbahan. Nagpasiya akong bumalik, at naging aktibo na ako mula noon. Napagtanto ko kung gaano ko kailangan ang Simbahan. Maaari akong magdasal sa Ama sa Langit at mapanatag, at maaari kong madama ang Espiritu. Kaya heto ako ngayon!

Adriana T. (dulong kaliwa), edad 17, Dominican Republic