2020
Ang Aking Lumalagong Pananampalataya
Hulyo 2020


Ang Aking Lumalagong Pananampalataya

Gupitin at pagdikit-dikitin, i-staple, o itali nang magkakasama ang mga pahinang ito para makagawa ng isang aklat!

Larawan
My Growing Faith

Pangalan:

  1. Sa Aklat ni Mormon, sinabi ni Alma na ang pananampalataya ay katulad ng isang binhi.

  1. Maaari akong magtanim ng sarili kong binhi ng pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa itinuturo ng mga propeta at mga banal na kasulatan.

  1. Kailangan ng isang binhi ng tubig at sikat ng araw para lumago ito.

  1. Pinapalago ko ang aking pananampalataya kay Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal at pagiging mabait sa iba.

  1. Habang lumalago ang isang puno, makakapagbigay ito sa atin ng matamis na bunga.

  1. Habang lumalago ang aking pananampalataya, magdudulot ito ng mga kasiya-siyang pagpapala sa aking buhay.

  1. Patuloy kong palalaguin ang aking pananampalataya para lumakas ito. Mahal ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo!