2021
Tinawag ng Panginoon
Hulyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Tinawag ng Panginoon

Doktrina at mga Tipan 77–80

Larawan
article on missionary callings

Tulad nina Jared Carter at Stephen Burnett (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 79 at 80), kailangan din ng mga makabagong missionary ng patunay na sila ay tinawag ng Panginoon.

Nabago ang mission call ng libu-libong missionary dahil sa coronavirus. Halimbawa, sina Curtis at Ramona Miller ay na-reassign sa ibang mission dahil sa virus. Nagpatotoo sila na: “Malakas ang aming patotoo na hindi mahalaga kung saan tayo naglilingkod kundi ang kahandaan nating maglingkod. Kapag tinulutan natin ang kamay ng Tagapagligtas na patnubayan ang ating buhay, ginagawa Niya tayong karapat-dapat sa gawaing ito.”