2021
Makauugnay Tayo sa mga Banal sa mga Huling Araw Noon
Hulyo 2021


Welcome sa Isyung Ito

Makauugnay Tayo sa mga Banal sa mga Huling Araw Noon

Larawan
Joseph and Emma with baby

Joseph and Emma with Baby Alvin [Sina Joseph at Emma kasama ang Sanggol na si Alvin], ni Liz Lemon Swindle, hindi maaaring kopyahin

Bilang mananalaysay sa Joseph Smith Papers Project, gustung-gusto kong magbigay ng mga mensahe sa debosyonal at makipag-usap sa mga miyembro ng Simbahan tungkol sa kasaysayan ng Simbahan. Sa paggawa ko nito, napansin ko na nahihirapan ang ilang tao na makaugnay sa mga Banal noong una. Ang mga paglalarawan sa mga indibiduwal na ito ay madalas nakatuon sa kanilang magigiting na katangian, na tila ba hindi sila kailanman nakaranas ng pag-aalinlangan, karamdaman, o kawalan ng pag-asa.

Ngunit ang mga miyembro ng Simbahan na nabuhay noong dekada ng 1800 ay hindi rin perpekto tulad natin ngayon. Nakaranas sila ng kagalakan at kaligayahan, pasakit at pagdurusa—at kadalasan ay karaniwan, at payapang mga araw. Marami akong natutuhan mula sa kanilang mga karanasan tungkol sa kung paano harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Umaasa ako na ang pag-aaral mo ng Doktrina at mga Tipan sa taon na ito ay tutulong sa iyo na malaman ang paraan kung paano hinarap ng mga Banal ang mga hamon sa buhay. Umaasa rin ako na ang aking artikulo tungkol sa kung paano hinarap ni Joseph Smith ang mga pagsubok ay magpapatatag sa iyong pananampalataya at tutulong sa iyo na makita na makauugnay tayo sa mga hamong pinagdaanan niya (tingnan sa pahina 30). Ang isa sa mga hamon ay nagsumamo siyang makatanggap ng tagubilin mula sa Panginoon para malaman kung paano tutulungan ang mga inusig na Banal sa Missouri. Nang sumagot ang Panginoon, binigyan Niya ang propeta ng nakapapanatag na sagot: “Mapanatag at malaman na ako ang Diyos” (Doktrina at mga Tipan 101:16).

Marami tayong matututuhan mula sa mga nauna sa atin—hindi lamang mula sa kanilang mahimalang mga karanasan kundi pati na rin sa kanilang tahimik na katapatan.

Matthew C. Godfrey

Church History Department