2021
Narinig ang tungkol sa Tatlong Antas ng Kaluwalhatian sa Unang Pagkakataon
Hulyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Narinig ang tungkol sa Tatlong Antas ng Kaluwalhatian sa Unang Pagkakataon

Doktrina at mga Tipan 76

Hulyo 5–11

Larawan
artwork depicting the celestial kingdom

Gawang-sining ni Annie Henrie Nader

Nilinaw ng bahagi 76 ng Doktrina at mga Tipan ang mahahalagang aspeto ng plano ng kaligtasan na nawala sa mundo sa panahon ng Apostasiya. Para sa maraming tao, ang malaman ang mga ipinanumbalik na katotohanang ito sa unang pagkakataon ay isang di-malilimutang karanasan. Ito ang nangyari kay Connie, isang convert mula sa Richmond, Virginia, USA.

Paggunita niya: “Noon pa man ay nakikita ko na ang pagmamahal ng Diyos kapag nagbabasa ako ng Biblia, ngunit wala pa akong nahanap na simbahan na nagturo nito ayon sa pagkaunawa ko rito. Nang ituro sa akin ng mga missionary ang lesson tungkol sa plano ng kaligtasan, nakadama ako ng pagpapatibay at kapayapaan na noon ko lang naramdaman. Naisip ko sa aking sarili, ‘Iyan ang Ama sa Langit na kilala ko.’ Ang pag-aaral tungkol sa mga antas ng kaluwalhatian ay lubhang nagpalawak sa aking kaalaman na halos hindi ko na mapigilan ang aking kasabikan na matuto pa.”

Si Delphine, isang convert mula sa Paris, France, ay may mahirap na sitwasyon sa pamilya, kaya nang ituro sa kanya ng mga missionary na maaaring magkasama-sama ang mga pamilya sa kahariang selestiyal, hindi siya sigurado kung gusto niya iyon. Gayunman, nang patuloy na ituro sa kanya ng mga missionary ang tungkol sa tatlong antas ng kaluwalhatian, napanatag siya. Nalaman niya na makakasama niya ang mga taong mahal niya na piniling sundin ang ebanghelyo. Nang mas malinaw na nauunawaan ang plano ng kaligtasan, sinabi niya, “Higit itong makatwiran, at iyan ay nakapagpanatag sa akin.”

Larawan
article on three degress of glory