2022
Mga Simbolo ng Lumang Tipan
Pebrero 2022


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Simbolo ng Lumang Tipan

Genesis 6–27

Ang mga banal na kasulatan ay gumagamit ng mga simbolo upang magturo ng mahahalagang konsepto. Ang pagkaunawa sa mga simbolo na makikita sa Lumang Tipan ay magpapaibayo ng iyong karanasan sa pagbabasa, magpapalalim sa iyong pagkaunawa sa mga katotohanan ng ebanghelyo, at magpapaibayo ng iyong pagpapahalaga sa mga salita ng Panginoon.

Ang ilang simbolo ay maaaring mabigyang-kahulugan sa iba-ibang paraan. Mahalagang tandaan na ang mga tamang interpretasyon ng mga simbolo ay batay sa malinaw na itinuro ng iba pang mga banal na kasulatan at ng mga lider ng ating Simbahan.

Narito ang apat na simbolo na makikita ninyo sa pagbabasa ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa buwang ito.

Sanga ng Olibo

Larawan
olives

Paikot mula sa kaliwang itaas: mga larawang kuha ng iStock.com/RayTango; James Jeffery; Matt Reier; at Estephen Peel

Ang mga punong olibo ay madalas banggitin sa mga banal na kasulatan. Ang mga puno ng olibo ay simbolo ng sambahayan ni Israel, at “ang sanga ng olibo ay itinuring na simbolo ng kapayapaan.”1 Ang sanga ng olibo ay ang unang halamang binanggit pagkatapos ng Baha (tingnan sa Genesis 8:11), na sumasagisag na nagbalik na ang kapayapaan sa lupa nang humupa ang tubig ng baha.

Bahaghari

Larawan
rainbow

Pagkatapos ng Baha, naglagay ang Diyos ng bahaghari sa langit (tingnan sa Genesis 9:12–17). Ang bahaghari ay higit pa sa isang magandang tanawin; ito ay simbolo ng pangako ng Diyos na ang mundo ay hindi na muling tatabunan ng baha at muling mananahan ang Panginoon sa mundo (tingnan sa Joseph Smith Translation, Genesis 9:21–25 [sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan]).

Lalaking tupa

Larawan
ram

Nang hilingin kay Abraham na ialay si Isaac, naglaan ang Diyos ng isang tupa upang ialay bilang kapalit ni Isaac (tingnan sa Genesis 22:13–14). Tulad ng ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Dahil sa ating mga kasalanan at ating mortalidad, tayo … ay hahatulan sa kamatayan. Kapag wala na ang lahat ng iba pang pag-asa, ang ating Ama sa Langit ay naglalaan ng Kordero ng Diyos, at tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng kanyang sakripisyo.”2

Balon ng Tubig

Larawan
an actor portraying Jesus sitting at Jacob’s well

Sa Genesis 26, mababasa mo ang tungkol sa mga balon ni Isaac. Ang tubig ay kadalasang sumisimbolo sa pag-asa natin sa Tagapagligtas na si Jesucristo. “Sapagkat ang tubig ay mahalaga sa pagtataguyod ng pisikal na buhay, ang Tagapagligtas at ang Kanyang mga turo (buhay na tubig) ay kinakailangan para sa buhay na walang hanggan.”3

Mga Tala

  1. Russell M. Nelson, “Why This Holy Land?” Ensign, Dis. 1989, 17.

  2. Dallin H. Oaks, “Bible Stories and Personal Protection,” Liahona, Nob. 1992, 37.

  3. Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Tubig,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org.