2022
Makakakuha na Ngayon ng mga Notification sa Gospel Library App
Nobyembre 2022


Mga Balita sa Simbahan

Makakakuha na Ngayon ng mga Notification sa Gospel Library App

Ang Gospel Library app ay may bagong notifications settings na maaaring mag-alerto sa inyo sa mga inire-release na content. May tatlong uri ng notification: (1) pang-araw-araw na inspirasyon (tulad ng mga talata sa banal na kasulatan at mga sipi mula sa kumperensya); (2) mga paalala (tulad ng mga plano sa pag-aaral at mga notification para sa mga live event); at (3) mga update (tulad ng mga mensahe ng propeta at mga bagong isyu ng magasin ng Simbahan).

Piliin ang inyong notifications settings sa pag-tap sa tatlong dot sa kanang sulok sa itaas ng app at pagpili ng “Mga Setting” at pagkatapos ay “Notifications.”